Monday, September 14, 2009

D.RO

ang buhay ay madali
isang lapit lang sa pari
kunting basbas at puri
akoy malakas na muli

mga gamot sa tindahan
nakakatulong ng matagal
pero kapag itoy nakalimutan
buhay mo ang kabayaran

kapag gumamit ng pinagbabawal na gamot
ikaw ay magiging kilabot
ubos lahat ng mga salot
sa bayan na sila pinulot

kapag ang nakaharap ay may pakpak
hindi na mapigilang umiyak
ubos ang basbas at lakas
paghihirap ay magwawakas

may mga taong nagtatago
na ayaw mapasubo
kapag may mahinang tumungo
lalabas at manggugulo

kahit ganu ka man kalakas
pakpak mo man ay hindi kumukupas
pero kapag ikay ay mahubaran
kamatayan na ang iyong kahahantungan

meron silang mandaraya
sa apoy ay humahanga
kapag ikaw ay mapatama
damit mo ay mapipinsala

nauso na ang pana at palaso
na pamatay sa ibong mukhang kabayo
nag-aagawan sa pagpatay dito
para makakuha ng isang daang libo

ewan ko ba kung bakit ganito
ang epekto ng DARK-RO
kaya magpapabulsa na lang ako
para maiwasan ito. . ... . . .

No comments:

Post a Comment